BOB

Eto na naman ako
Nakaupo habang iniisip ka
Tulala dahil ilang araw na
Hindi ka nagpaparamdam
Ang bawat gabi ay tila bang naging
Senyales na wala na
At ang bawat umaga ay nagsasabing
Kailangan na kitang kalimutan

Tinext kita,
Pero eto pa rin ako
Umaasa na mareplyan mo man lang
Nangungulila na ang puso kong
Sigaw ay ikaw at ikaw lang…

Oo, sorry na mahal ko.
Alam kong nasaktan kita
Pero eto ako ngayon sumasamo

Asan ka na ba?
Andito pa rin akong naghihintay sayo
Dahil sayo parin itong aking puso
Tabihan mo ako habang nakaupo sa ilalim
Ng langit na tila bang ikaw rin ang hinihintay
Oo, dahil ang isang ikaw lang ang kailangan ko

Oktubre nang tayo’y nagsimula
Disyembre nang naglaro ang tadhana at
Pebrero nang tinapos ni kupido..

Isang bituin lang ang hinihingi ko..
Para masagot ang lahat at mayakp k
Isa lang…  isang ikaw lang, BOB!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s